ETO ANG TOTOONG BACK TO THE ROOTS
Posted by AC on Sunday Sep 21, 2008Yesterday Amae, Che and I attended Maria Ysabela’s (Meekee & Juanay’s daughter) christening in Los Banos. Unfortunately we were not able attend the church ceremonies. We were so bangag after the Elbi Nights in Makati that we got up so late. Nevertheless, we were still able to come to the reception at UPCO.
But before coming to UPCO, we had a “photoshoot” first around the campus.. we opted to walk and have some sort of nostalgia. Yiheee…!!!
First stop: St. Therese Chapel (sorry for being a stubborn Ninang I wasn’t able to attend the baptism). The place is somehow memorable to Gogolosh since two (naging 2.5 because of Che) of the members (Sugar & Nheng) used to live there when we were in college). Minsan nakikisleep over din kame kahit alam namin na bawal.. ahahahaha.. It was also a place where we would kill time while waiting for our class (eto na kase pinakamalapit na pwede tambayan kesa naman umuwi pa sa kanya-kanya naming apartment). Ubos ang oras namin sa foodtrips (favorite ni Sugar yung PANSIT ULAM! hahaha.. kase naman nise-save money for Sun City wahahaha). Nakakatawa din dahil dito magugulat na lang ako pag palabas ng dorm at may biglang susulpot nakatago sa mga nakapark na car at lalabas na may hawak na bulaklak sabay sabi “Hi Annacel!” wahahaha.. Haaayy baket nga ba noon ay pwede na ko magtayo ng flower shop sa dami ng nagsusupply ng bulaklak sa kin noon. Baket ngayon Lord maski bulaklak ng kalabasa o plastik na bulaklak wala?! Waaahhh.. di naman ako panget Lord diba? Hahaha…

After a short stay at the chapel, we tracked the dirt road kung saan kame nagdadaan before from Humanities dahil yun ang short cut. Noong panahon namin hindi pa sementado ang dirt road (helloww kaya nga dirt road eh) pero I think ginagawa na sya nung time na yun. Well, we’re not that old after all.. Hekhek! I took photos of CDL where we started our “career” in preschool teaching (well, only Nheng and Noelle had the chance to pursue this profession).
Tapos napadaan din ako dun sa tambayan ng org ko sa tapat ng PNB kung saan naging isa akong salbaheng amuyong, hindi marunong sumunod sa mga masters kaya binubugbog. Hehehe.
Next stop: PhySci. We had photoshoot at Eagles’ tambayan na nagmove na pala ng konti. I took shot of Che pero syempre papatalo ba naman ako e I used to be an Eagle feelingera. hahaha. Madaming memories ang tambayan ng Eagles. Sa loob ng halos tatlong taon ay eto ang naging pugad ko ng pag-ibig, sakit, away at pananakit. Hahaha. At makakalimutan ko ba naman ang mga taong naging kaibigan ko dito? Whatever happened I know naging totoong kaibigan ko sila. I miss you Darlo injanero sa Elbi Nights!
Finally we reached Oble sa tapat ng Humanities. When we were still students, nakakahiya magtake ng pictures kay Oble. Pero ngayon bawal mangialam sa min kase turista kame! Kanya-kanyang trip yan! Kahit noon sa Humanities ako nakatambay, sobrang bihirang lumapit ako sa estatwa ni Oble. Umupo kame saglit sa Hum Steps.. ma-feel man lang ang pagiging nostalgic na noon araw2 kame nakaupo sa baitang ng hagdan. At hlos lahat ng dumaan at tumambay dun ay kakilala namin. Ang Humanities sa tingin ko ang isa sa pinakamasayang building sa UPLB.. at syempre naman kase nandun kame e. Hahaha. joke!

Then we headed to Socius tambayan sa gilid ng Hum. Nagpicture sa isang spot na meron din kameng picture nung mga lampayatot pa kame. Masaya noon kase halos kumpleto kame, si Dane nandun pa. Si Gny lang ang wala. Ngayon kameng tatlo na lang ni Amae at Che na lang. So sad.
Tapos eto na nagpunta na kame sa mala-Lunetang Freedom Park ng UPLB. Ang saya.. ang dami nagbago. May mga benches na sa paligid. Yung mga damo green na green. Hintayin nyo at pagdating ng Feb Fair brown na naman ulit sila dahil makakalbo sila. Hehe. Ang sarap pa rin ng hangin. Ang sarap ng feeling lumanghap ng sariwang hangin. At ang sarap sa pakiramdam na dito at home na at home ka, parang kung pwede lang matulog dito ginawa ko na. Habang naglalakad nga kame napatanong sila (ewan ko kung sino kay Amae at Che) kung ano yung unforgettable memory dito sa field. Pwera yung memories na makamundo twing Feb Fair, one thing that I won’t forget about this field is nung nakasama ko si Little Drummer boy here. Sarap din pala nung ganun lang.. gabi, higa kayo sa damuhan, nood ng stars sa langit.. yung tipong walang bastusan (nyahahahah!) tapos wala, chikahan lang.. Kakamiss din ng ganung “date” noh? Tsuk.
Stop muna kame dito sa field dahil we went to Ysa & Mara’s party na. There we met a lot of old friends. Si Patrick Mallari na tatay na tatay na. Na parang kelan lang walang ginawa sa Elbi kundi makipagbasagan ng mukha. Ngayon yung anak nya syang-sya.. sabi nga ni Amae very Patrick nung ikikiss sya at nakanguso ng sobra. Sayang lang at di ko nacapture yung moment.. ang cute pa naman sana nun. Lalo na at yung ama nya ay may nabuong paghanga kay Amae dati.. ahem.. ahem.. Nandun din ang mga footbolero at tropa ni kalbo like Memen na tatay na tatay na din (ang laki ng tiyan!) and his daughter na sobrnag cute at charming at walang pinipiling taong samahan. Ayun ang tagal nya nakatambay kay Tita Che. Si Jaz at ang kanyang dalaga nang anak na si Ging. Si Ate Jean at si Tokits na going strong. Haaayy.. sino pa ba.. hmmm.. sayang lang at late na dumating si Abooh kung kelan pauwi na kame. Sinupladuhan pa ko. Ayun wala tuloy kame picture together.
Pagbaba from UPCO another picturan sa may mga puno ng ilang-ilang (what’s the name of tha park again? yung may kalabaw and fish pond.. sorry naman hehe). I love the colorful boxes at the pond, sayang lang kase I’m sure kapag gabi ang ganda-ganda nila. Doon ko din nalaman na may SocSci 3 na pala (Gender & Sexuality) dahil may nakita akong isang poster about it. So what happened to HFDS 121 (tama ba?) diba Human Sexuality naman sya? So what’s the difference? Enyweis, picture naman sa centennial logo.. I’m so sorry joke lang po ang paghawak ko sa birdie ni oble. Walang halong malisya.. hahaha..

Picture taking’s finally over sa gate ng campus kase paubos na din battery ng camera ko.
Dumaan muna kame sa Mer-nels along Grove to buy cakes na iniuwi ko dito sa Manila. Naalala ko dati ang Grove na lagi kong nilalakad nung time na nakatira pa kame sa Umali. Every Thursday night makikita mo nun punong-puno ng tao sa Grove dahil di na magkasya sa IC’s na dati naming gimikan. Dalawang pangyayari ang di ko makakalimutan sa Grove. Una: may isang nilalang na nabugbog ng isang nilalang dito dahil sa akin. Pero hindi ko naman talaga sinabi kay nilalang #2 na hellow bugbugin mo sya para sa akin. As in tipong nasa loob na ng kotse si nilalang #1 e nilulusot pa ni nilalang #2 ang kamao nya sa bintana ng kotse para sapakin ulit si nilalang #1. Tsktsk. At ang isa pang di malilimutang pangyayari ay ang madalas na pagbabangayan namin ni Rasta Man dito sa kalyeng ito, saksi ang lugar na ito kung paano kame magmurahan at magbugbugan sa kalye.. Hahaha.. too much information.
Haaay.. ang saya-saya kahit tagaktak ang pawis ko at off ang suot ko dahil naka-knitted top ako yun pala e sobrang init dun. Nanlalagkit talaga ako at libagin na ang ichura sa dami ng nilakad at nilibot namin. Pero okay lang. Worth it naman.
Ngayon masasabi ko handa na akong bumalik ulit dito. Tingnan natin sa Fair kung talagang kayang-kaya ko na. Ikaw Che?
More Photos: Click HERE
When I say I’ve moved on, it doesn’t necessarily mean I forgot everything about us. I’ve realized that at this point in my life where I already left traces of him behind, I begin to appreciate everything and everybody who became part of our lives as a couple.

